Huwebes, Hulyo 20, 2017

''Ala-ala ng Kahapon''

Naaalala mo pa ba?

     naaalala mo pa ba ang pamana ng ating nakaraan? siguro kaunti lang ang nalalaman mo? tama ba?
dahil sa modernong pamumuhay natin ngayon nauso ang mga gadgets at makabagong teknolohiya.
ang mga kabataan ngayon ay puro na lang facebook,computer games,social media o di kaya babad sa kani-kanilang mga gadgets.
 siguro ay isa ka sa mga nabanggit namin.

Nang dahil sa paglipas ng mga henerasyon nalilimutan na natin ang ating kultura,tradisyon at mga nakasanayan natin gawin tulad ng mga laro na ginagawa natin noon tulad ng tumbang preso,patintero,tagu-taguan,luksong baka,mataya-taya, ilang kabataan na lang ang naglalaro o nakakaalala nito.Naalala mo paba yung ''Sili-sili maanghang'' ''Mata-mata mataya-taya''''Sabado linggo walang pasok'' ''May pochie one'',Masuwerte kaming mga iilang mga kabataan na naabutan namin ito, dahil  dito nakaranas kami na pagpawisan,tumawa ng malakas,mapagod magmukhang dugyot hindi tulad ngayon na puro gadgets na lang at daliri na lang ang gumagalaw sa bahagi ng katawan mo.
kung yan ay unti-unti mong nalilimutan paano na kaya ang kultura na ating kinagisnan bilang mga Pilipino.



Muli nating balikan ang Pamana ng ating nakaraan tulad ng mga Kultura,Tradisyon, Kaugalian, at marami pa.



Ano nga ba ang kultura ng Pilipinas? 


 kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas

 ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. 

Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya.

 Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan.

 Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.


Wika na ginagamit ng mga Pilipino

     Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinkamaraming wika sa buong daigdig.Sa panahon ngayon ay gumagamit na rin tayo ng wikang Ingles.



Kaugalian ng mga Pilipino


Ang mga Kaugalian ng mga Pilipino ay :

Pagtitiwala sa Poong Maykapal




Malaki ang ating tiwala sa Poong Maykapal. Naniniwala tayo sa mga biyaya at patnubay ng ating Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa mga biyayang Kanyang ibinibigay araw-araw. Nagdarasal tayo na pangalagaan Niya tayo.



Paggalang






Ang bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Siya ay ating pinakikitunguhang mabuti. Katulad nalang ng mga matatanda, nagmamano tayo sa kanila. Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita gaya ng po at opo. Gumagamit tayo ng mga magagalang na pantawag tulad ng ate, kuya, manong o manang.





Bayanihan


Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.


Pagmamano
    



Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.


Palabra de Honor



''May isang salita'' isang kaugalian ng Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinasabi nitong salita o pangako. Pero sa panahon ngayon ay may mga tao na rin na hindi tumutupad sa kanilang pangako.


Pag-alala sa mga yumao:

                       
  Ang pag-alala sa mga yumao na mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadasal sa kanila ay nakaugalian na rin at marami pang iba. Ito ang hindi malilimutan ng isang Pilipino , kahit na nawala na ang isa sa mahal nila sa buhay ay inaalala pa rin nila ito.


Filipino Values

                 Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging matulungin sa kapwa kahit hindi kilala. Ang pagiging masayahin, palagiang pagngiti at pagiging positibo sa buhay ay kilala rin. Tayo ay magiliw sa mga pangunahin at tinatanggap natin sila ng malugod. Relihiyoso tayong mga Pilipino, mayroong malalakas na pananampalataya sa Diyos.



   

KARANIWANG TRADISYON NG MGA PILIPINO



Pasko


  • Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig na mundo kung saan Katoliko ang pangunahing relihiyon. Maituturing naman na sa Pilipinas ginaganap ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na magsisimula pagsapit ng Setyembre hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa unang Linggo ng Enero.


 Bagong Taon

  • Sa Pilipinas ay ipinagdiriwang ang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon sa napakamakulay at napakasayang pamamaraan. Dahil dito ay marami sa mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa ang tunay na nalulungkot kung hindi nila nararanasan ang pagsalubong ng bagong taon sa sarili nilang bansa. Tunay na iba pa rin ang maging isang Pilipino sapagkat dito lamang sa bansang Pilipinas matitikman ang tradisyon ng mga Pinoy pagdating sa kinagigiliwang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon.




Piyesta



  • isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba't ibang dako ng Pilipinas.






Mahal na araw o Senakulo
  • Ang Mahal na Araw o tinatawag ding Biyernes Santo ay ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay ang araw kung kailan ipinako si Hesus na ipinagdiriwang ayon sa nakaugalian




Pamamanhikan
  • pumupunta ang lalaki sa bahay ng babae kasama ang kanyang pamilya upang ipaalam ang kanilang kasal kadalasang nagkakaroon ng salo-salo ang lahat. Pero minsan na lang ito mangyari dahil unti-unti na ito nalilimutan ng iba.








Harana

  • ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Sa panahon ngayon ay wala nang ganito o minsan na lang makakakita na nanghaharana ang isang lalaki sa babae dahil na rin sa makabago nating henerasyon.




Kasuotan ng Pilipino

Barong Tagalog
          Pambansang kasuotang panlalake sa Pilipinasburdadong pormal na kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon,katulad sa amerikana. Karaniwang itong kasuotang pormal o pangkasal.


Barong Tagalog



Baro't Saya
        ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan. Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib.


Baro't Saya


Relihiyon
    Ang bansang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming relihiyon. Tulad ng Roman Catholic, Born Again, Baptist, Iglesia ni Cristo, Jehova Witnesses, at iba pa. Ang ay isa sa dalawang Katolikong bansa sa Asya (ang isa pang Katolikong bansa ay East Timor pero ibang parte nito ay nasa Oceania). Ayon sa Artikulo III Seksiyon 5 ng Saligang Batas ng 1987 malaya ang mga Pilipinong pumili ng sariling relihiyon.




Paniniwala ng mga Pilipino
          Ang Pilipinas ay nababalot ng maraming pamahiin o mga paniniwala ng mga matatanda tungkol sa mga bagay-bagay na walang relasyon sa ating nakikita o ginagawa. Halos bawat okasyon sa buhay ng tao ay may kaakibat na pamahiin na dapat sundin upang swertihin at malayo sa kapahamakan. Ito ay mga paniniwala na walang basehan kung ito ay may katotohanan o pawang nagkataon lamang. Malaki ang naging impluwensiya ng mga pamahiin sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga usapin sa buhay tulad ng kultura, emosyon, tagumpay at kabiguan.

  • Ang paglalagay daw ng sinulid sa noo ng sanggol ay nakakatulong upang mawala ang sinok. Kahit anong sinulid ang gamitin pero mas mabisa kapag galing sa natastas na sinulid ng damit at binabasa ng laway tapos ilalagay sa noo ng sanggol.
  • Ang pag-ipit ng unang gupit na buhok sa libro o sa diksyunaryo upang tumalino ang sanggol. Ang sabi ng iba na kapag inilagay sa makapal na libro ang unang ginupit na buhok ay kakapal ang buhok at kapag sa diksyunaryo naman ang bata ay lalaking matalino.
  • Huwag dapat batiin ang bata baka mausog. Pinaniniwalaan na kapag sumakit ang tiyan ng bata at walang tigil sa pag-iyak, ito ay nausog matapos batiin ng bisita. Kaya naman nakasanayan na ng mga Pilipino na magsabi ng “Puwera usog!” at pinapahiran ng laway ang tiyan ng bata para makaiwas sa pagkakasakit. 
  • Hindi maaaring magkita ang ikakasal isang araw bago ang takdang araw ng pagpapakasal upang mas madama ang pagmamahalan at kasiyahan sa pagharap sa altar.
  • Ang pangkasal na kasuotan ay hindi dapat sinusukat ng babae dahil pinaniniwalaang hindi matutuloy ang kasal.
  • Huwag kumuha ng litrato kapag tatlong tao lang dahil ang nasa gitna ang unang mamamatay.



Ilan lamang sa aming ipinakita ang pagkaPilipino. Sa panahon natin ngayon ay nalilimutan na ng Kabataan ang ating Pagka Pilipino dahil sa Modernong Pamumuhay natin para sa iba boring itong pag-aralan na sana ay huwag mangyari. Tandaan huwag kalimutan ang sariling atin mahalin natin ang sariling atin. Lumipas man ang mga panahon itatak pa rin natin sa ating isip na tayo ay Pilipino at hindi makakalimot sa pamana ng ating nakaraan pahalagan natin ito, alagaan at itatak sa puso't isip natin.

''Ala-ala ng Kahapon''

Naaalala mo pa ba?       naaalala mo pa ba ang pamana ng ating nakaraan? siguro kaunti lang ang nalalaman mo? tama ba? dahil sa modernong...